smile.
Ayan! As i promise. New lay-out po ulit! As usual hindi na naman ako yung gumawa. hahaha. And i took 2 days to make it look like this! Sabi ko nga ginugusto ko ding matuto gumawa ng sarili kong lay-out, kasi mahirap din maghanap nung lay-out na gusto mo pero wala kang makita, kaya kung marunong akong gumawa edi i'd make lay-out na angkop sa'kin. I mean yung gusto ko pwede kong gawin.
Let's get to the point. Itong week na 'to sa school, is kind of 'okay' lang. Kasi it's club awareness week, kaya madaming tao sa harapan ng shop where dun nakahelera yung mga pwede 'mong salihang club. So ayun, i decided to transfer to young-writers club from dominic-savio friends club. Kasi what i've experienced sa DSF club, it's more on parang interactions, e alam niyo naman ako, tahimik lang, hindi sanay makipag-interact sa tao. Tapos ayun, nagkaroon din ng audition for 'sang indak dance troupe. And i passed! eventhough, wala naman actually naganap na audition, pero kung sino-sino yung mga um-attend, kasali na. Actually it is the second time na i auditioned. The first one, hindi pinalad. YEY!! And sa july 27-28 ata, meron kagad kaming presentation. hehehe. Kaya sa tuesday, mag-start na kaming magpractice.
Wala na akong masabi, i guess walang kwenta 'tong post ko ngayon, pasensya na. Kasi hindi ako masyado makapag-isip ng mga sasabihin. Ang masasabi ko lang i'm so happy!!, ewan ko ba pero every now and then, smile ako ng smile about that particular thought. hahaha.
Sige dito muna.